RinalynFayeVillanueva

We all have stories to tell. These are mine – the twisted words of life.

Alibughang Anak

leave a comment »

Mayroon isang taong andyan lagi para sa atin. Yung taong handang makinig sa bawat kwento ng buhay natin. Yung taong alam ang ikot ng bituka natin. Yung taong kahit anong tago ang gawin natin alam ang dinadamdam natin. Alam mo kung sino? Ang ating mga ina/nanay/inay/mama/mommy, magkakaiba man ang tawag natin sa kanila – nag-iisa lang sila.

Hindi ko nakaka-kwentuhan ang nanay ko sa mga personal na bagay. Masasabi kong magkaibang magkaiba kami. Minsan ko nang hiniling na “Sana ka-close ko ang nanay ko.” Pero napagisip-isip ko itinutulak ko pala siya palayo. Sa tuwing mayroon kaming hindi pagkakaintindihan, hindi ko siya kinakausap pero siya yung lapit ng lapit sa akin at handang magpakumbaba para makipag-usap sa akin. Ang swerte ko kasi sobrang bait ng nanay ko. Hindi siya napapagod intindihin ang ugali ko at mahalin ko. Sa tuwing ganun ang nangyayari, lagi yan may sulat para sa akin. It’s either nakalagay sa loob ng bag ko o kaya sa ibabaw ng table kasama ng baon ko.

600039_10200284456526620_1846233909_n

 

At kanina nagising ako sa munting sulat na yan sa ibabaw ng baon ko. (Oo. Binabaunan ako ng nanay ko. Ang sweet niya diba?)

Noong Sabado pa ng hapon ako umalis ng bahay kasama ng aking kaibigan at nagpaalam naman ako sa kanya – yung totoong paalam. (Oo. Nagpapaalam na ako ngayon. Ayoko na kasi ng alibis.) Hindi ko naman akalain na uumagahin na kami at dahil minsan lang naman iyon, hinayaan ko na. Kahapon lang ako ng gabi umuwi at buong akala ko pagagalitan niya ako pero hindi niya na lang ako kinausap. Dahil wala pa akong tuiog, natulog ako.

Alam kong matigas ang ulo ko. Ginagawa ko ang gusto ko. Nakakaligtaan ko na ang mga bagay na importante sa buhay ko. Isa na dun ang nanay ko. Alam ko naman sa sarili ko na hindi siya natutulog sa kaka-hintay sa pag-uwi ko pero binabalewala ko.

Masyado akong showy sa ibang tao pero sa sarili kong ina ay hindi. Nakakalungkot pero yun ang totoo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagbawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipapakita/ipaparamdam na mahal ko siya sa paraang hindi lalabas ang pagiging mahina ko.

Bago yang note na yan, sa email kami madalas mag-usap. (Techy na nanay ko eh.) Kaya kanina nag-email ako sa kanya. A very short e-mail pero sweet. Ganon ako eh. :)

inay

Inay, I love you from the bottom of my heart. Hindi ko ‘to sinasabi dahil may kasalanan ako, pero kasi yun ang totoo. Hindi ko alam kung asan at ano ako ngayon kung wala ka sa tabi ko. Mahal na mahal kita. Bati na tayo ha? Isosoli mo na phone ko? :* HAHAHAHA. Joke lang. Magbabaet na ako – pipilitin ko. :) 

 

About these ads

Written by RinalynFaye

March 4, 2013 at 9:26 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 488 other followers

%d bloggers like this: