RinalynFayeVillanueva

We all have stories to tell. These are mine – the twisted words of life.

Girl power!

leave a comment »

Babae ka lang.” Kapag naririnig ko yan na sinasambit ng mga kalalakihan, naiinsulto ako. Anong karapatan mong sabihin ang mga katagang yan? Dinala ka nila sa kanilang sinapupunan sa loob ng 9 na buwan. Pinagaral sa loob ng 17 taon – minsan nga higit pa at inaruga hanggang sa kahit ika’y matanda na. At minahal ng buong puso’t kaluluwa. Anong alam mo sa nararamdaman nila – naming mga babae? “Babae ka kasi.” ingatan mo kung kanino mo ito sasambitin at hanggat maaari huwag mo na sana hayaan na lumabas ito sa itong bibig. Ikaw din. Baka kasi mapahiya ka sa kung anong kaya naming gawin. Don’t hate and discriminate. Just appreciate.

Kanina, habang pauwi. Sumakay ako ng bus na biyaheng Baclaran – LRT Ayala Leveriza sa Ayala. Sa gawing likuran ako umupo katabi ng mga barakong lalake. Isa lang ang pumukaw sa aking atensyon – ang babaeng konduktor. Naningil ng pamasahe sa mga bagong sakay ang nasabing konduktor at habang palayo na ng palayo, siya na ang naging usapan ng 2 kong katabi. “Lahat talaga papasukin kumita lang.” sambit nung isa. Naisip ko lang, hindi ba nainsulto ang dalawang mamang ito sa nakita nila? Imbis na sana purihin ang babaing iyon ganon pa ang mga salitang lumabas sa kanilang mga bibig. Marangal na trabaho naman ang pinasok nung ale hindi ba? Oo! Andun na tayo. Panglalaking trabaho ang ginagawa niya, pero ano ang karapatan nating husgahan ang isang tao na hindi naman natin kilala? Pang-bahay lang ba talaga ang tingin niyo sa kababaihan? Mahihina? Puro puso ang pinaiiral? Naisip ko din, ganon na ba talaga kahirap ang bansang Pilipinas para hindi mabuhay ang pamilya sa pamamagitan ng ama para pati ang ina ay magbanat ng buto? Pero naisip ko HINDI! Araw-araw puno ang mga establisyemento ng mga taong bago umuwi ay may bitbit. May mga tao lang talaga na kapakanan ng iba ang iniisip kaysa sa sasabihin ng iba at dun pumapasok ang pagiging ina.

Dati nung nag-aaral pa ako, may jeep akong laging nasasakyan na babae ang driver. May pedicab driver na babae din. May negosyanteng babae. May pangulo na babae. May guard at pulis na babae. At may mga mandaragat na babae din. Karamihan ng akala noon ng nakararami na para lamang sa lalake ay pinasok na din ng mga babae. Nagiisip na kami. Matapang na kami. We are making names in the world now. We are known. Hindi kami nakikipag-kumpetensya. Sadyang gusto lang namin mabuhay ng maayos, masaya at masagana. Lahat naman tayo. Hindi ba?

Para sa mga babae na tulad ko, chin up ladies – ituloy natin to. We know we all deserve the best. We are more than just being a plain housewife. We can and we will rule the world. 

Written by RinalynFaye

February 19, 2013 at 7:24 am

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: