RinalynFayeVillanueva

We all have stories to tell. These are mine – the twisted words of life.

Third Party

leave a comment »

Ayoko man aminin, dahil sa 3rd party nasira ang relasyong sobrang iniingatan ko. Ipinangako ko noon sa sarili ko, hindi ako magiging third party dahil alam ko ang pakiramdam ng maiwan.

Kinain ko yata lahat ng sinabi ko. Minahal ko o kaya sabihin na natin naglaan ako ng oras sa mga taong choice lang pala ako. You heard me right. “mga” ang ginamit ko. Hindi ako nagyayabang. Hindi naman dapat ipagyabang ang napagdaanan ko at hindi ko nga alam kung bakit ako nagsusulat tungkol dito. Siguro kasi sobrang nasasaktan na ako at alam niyo naman na sa pagsusulat ko idinadaan ang lahat. Ako mismo sa sarili ko nahihiya na sa mga kaibigan ko sa abalang dala ko sa tuwing mapaguusapan ako at sa sarili ko mismo dahil sa ginagawa ko.

March, dumating si Raemman, hindi gaano na-absorb ng utak at ng puso ko ang nangyari dahil dumating siya. Movie dates ang kadalasan naming ginagawa. Hanggang dun lang pala talaga kami kasi nagkabalikan na sila ng mahal niya.

April, dumating si Tsano (SingkoLoves, EngrLovin) sa panahong hindi ko inaasahan. Isang buwan – Sa loob lang ng isang buwan, nahulog ako. Ka-text, ka-email, kausap araw-araw; walang mintis. Naglahong parang bula, may jowa na pala.

May, si Emman (Mr. Funny Guy) ang nagbalik ng ngiti sa mukha ko. Di niya alam yun pero yun ang epekto niya sa akin. Isang buwan – isang buwan lang ulit, nawala lahat ng hindi ko alam ang dahilan.

June hanggang January, pasulpot-sulpot na parang kabute si Tsano. May choice ako umiwas dahil may jowa nga siya pero di ko ginawa dahil gusto ko siya. May dumating na Alvin, Paul, Rupert at Ryan at may nagbabalik na Roy lahat sila consistent pero bakit yung taong sobrang pinaglalaanan ko ng oras nawawala? Di ako choosy. Sadyang alam ko lang kung sino at ano ang gusto ko.

May isang dumating at iba ang dating nito. He’s willing to stay with me through whatever. He said the right words I’ve been longing to hear. He made me feel what I’ve been longing to feel. Naniwala ako. Naging tanga na naman ako. Pero wala eh. Wala lang pala siya magawa at ako ang nakita niya. Hindi ko alam kung bakit nauto ako. Hindi ko alam kung bakit naniwala ako sa mga mabubulaklak niyang salita. For once, naging selfish ako. Sarili ko lang inisip ko. Ang daming taong naapektuhan. Ang daming taong nasaktan at aking nasagasaan.

Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero mas galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong gaguhin ako ng taong tulad niya.

Isang taon – isang taon ang nasayang ko sa mga maling tao. Isang taon kong sinasaktan ang sarili ko. Isang taon kong pinipilit ang sarili ko sa mga taong hindi naman pwede. Do I really deserve being treated this way? Ano bang nagawa ko para maging ganito ang takbo ng buhay ko? Bakit ganito ako tratuhin ng mga taong pinili kong bigyan ng importansya? Hindi pa ba sapat lahat ng napadaanan ko? Kailan ba ako tunay na magiging maligaya? Nakaka-gago. Ang sakit sa ulo.

Being the third party sucks! You’ll be hearing constant accusations from everyone who knows nothing but to judge. Habang maaga pa, pigilan mo na. Huwag mo nang hayaang ma-attach ka ng husto. Mahirap kumawala sa love lalo na sa sakit na pwede mong maramdaman. Spare yourself. You deserve more than that. We are more than just an option.

Written by RinalynFaye

March 11, 2013 at 2:34 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: