RinalynFayeVillanueva

We all have stories to tell. These are mine – the twisted words of life.

Salamat po

leave a comment »

“Lord, Alam kong alam mo na ang hihilingin ko. Iniisip ko pa lang alam kong alam mo na at  gagawa ka ng paraan para matupad ito. Alam nating pareho kung ano na lang ang kulang sa buhay ko. Ayoko sabihin straight to the point kasi baka nagsawa ka na kaya hahayaan ko na lang ang lahat sa’yo. Alam kong di mo ko matitiis. Willing naman po ako magintay. Nagawa ko na mag-intay ng matagal at hindi ngayon ang oras para sumuko ako. Ito lang po ang hiling ko. Amen.”

Sa lahat ng simbahan na binisita at nakita ko sa unang pagkakataon noong ako ay nagpaka-Dora sa dakong hilaga ng bansang Pilipinas – ang Ilocos, yan ang aking hiniling.

Noong mga panahong iyon, akala ko lalaki ang kulang sa buhay ko. “Lovelife” ang magpapasaya pa ng sobra sa akala kong masaya ko ng buhay. Pero alam niyo ang nakakatawa at nakakagulat para sa babaeng hinayaang paikutin ng pag-ibig ang mundo niya tulad ko? Hindi pala iyon ang sagot sa hiling ko. Hindi lalake ang sagot para sumaya ako. It may be a bit late to realize this shit but at least I finally did.

Paano ko ito naisip? Sa paanong paraan ko napagtanto? Sa pinakamababaw na paraan na alam ko. Yun ay noong nasa roro ako galing Caramoan papuntang Sabang sa Camarines Sur habang pinagmamasdan ang bawat alon at bawat ng kurba ng bundok sa harapan ko.

Ang pinakamalaking tanong – Ano ang napagtanto ko? Ito – Hindi ko kailangan ng lalaki para sumaya ako. Hindi ko kailangan ang lovelife. Hindi ko kailangan maramdaman ang “head over heels inlove with someone” – sa ngayon. Hindi pa. Bitter ba pakinggan? Pero yung totoo, wala nang “bitterness” sa pagkatao ko ngayon. This is a mere realization – a big one. Naisip ko na ito noon pero aaminin ako sinasabi ko lang yun – “made believe” kumbaga.

Enough with that. HAHAHAHA. Katulad nga nung nasabi ko “I vow to travel.” Magastos man isipin, wala akong pakialam. Ito kasi ang nagpasaya sa akin at magpapasaya pa sa akin.

Hindi man ibinigay sa akin ni Papa God ang hiling ko, hinigitan niya naman ang akala kong kailangan ko. You know better. No, You know what is best for me. Na-late siguro ng bahagya pero at least diba? Sa tamang panahon pina-realize mo ito sa akin. I am more than thankful. Grabe. Thank you! Thank you po talaga.

PS.

Para sa lalaking inilaan ng Diyos para sa akin, kalma ka lang dyan. Nagiipon lang ako ng mga bagay na i-she-share ko  sa’yo sa takdang panahon. I don’t wanna bore you. I don’t want you find someone you think is better than me. Gawin mo din ang nagpapasaya sa’yo at pag dumating ang panahon na pagtatagpuin ang landas nating dalawa, gawin natin lahat yun ng sabay. G?

 

Written by RinalynFaye

May 14, 2014 at 11:54 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: