RinalynFayeVillanueva

We all have stories to tell. These are mine – the twisted words of life.

Ah eh hmm

leave a comment »

Hindi ko alam kung sinasabi ko lang sa puso ko na “Sige, masaktan ka.” “Uy, tagos yun ha.” “Aray naman.” O sadya nga sigurong masakit yung mga salitang lumabas sa bibig niya. Pero pinipilit pa din ng utak ko na intindihin ang mga bagay-bagay. Yung tipong “May mali ka din kasi.” “Ikaw kasi eh” Pero ayaw tanggapin ito ng utak ko. Pero paano kung totoong “hndi siya sigurado sayo”? Paano kung talagang “nagdadalawang isip” siya sa iyo? Matapos ang lahat ng plano. Ang lahat lahat. Mawawala na lang nga ba? Lalaban ka pa ba? O hahayaan mo na? 

Ako? Hahayaan ko na. Bakit? Eh bakit ko ipagtutulakan ang sarili ko sa isang taong hindi naman sigurado? Bakit ko ipipilit makita niya ang halaga ko kung wala din naman kasiguraduhan? Bakit ako magsasayang ng oras? Siguro itatanong niyo “Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?” Nakakaawa naman yang katagang yan. Gasgas na gasgas na. Alam nyo, yan ang mga palusot ng mga taong ayaw na sumubok ng iba – ng bago. Yan ang mga palusot ng mga taong takot sa kung ano ang mawawala sa kanila (eh in the first place, nawala na o pawala na.) 
Hindi ko alam. Pero siguro, sadyang may mga taong dadating sa buhay mo para ituro sa’yo (sa masakit na paraan) na hindi mo sila kailangan. Kahit gaano mo ingatan ang isang tao o isang bagay, kung hindi para sa iyo, hindi. Wag ipilit bes! Masakit. Tanggapin mo ng bukal sa loob mo. Wag mo pilitin kontrahin ng utak mo. The fate itself is stating the obvious. Ano pang pruweba ang gusto mo makita? Hanggang kelan mo sasaktan ang sarili mo? Walang award diyan bes! Tigilan na yan. Una maka-move on, yun ang may award. Alam mo kung ano? Bragging rights! šŸ˜‚
Isa pa. Hindi pala pride ang pinaglalaban ko dito. Kuha mo?

Written by RinalynFaye

November 17, 2016 at 9:03 pm

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: